406 - Isa Ngang Pusong Malinis

Isa ngang pusong malinis,
Ang sa Panginoo'y nais
Napakamtan, nang mabihis
Sa salang kahapishapis.

REFRAIN

Hugasan Mo ako, Jesus,
Ng dugo Mo nanabuhos
Dalisayin akong lubos
Sa apoy nang di masupok!

Kung hinagap ay makita,
Kaluluwa'y liligaya;
Mapagalak ako t'wina,
Pusong dalisay angkin pa.

REFRAIN

Hugasan Mo ako, Jesus,
Ng dugo Mo nanabuhos
Dalisayin akong lubos
Sa apoy nang di masupok!

Pusong ito'y kung matanggap
Mag-uulol ang hinagap,
Sa buhay laging pangarap
Ang biyayang malalasap.

REFRAIN

Hugasan Mo ako, Jesus,
Ng dugo Mo nanabuhos
Dalisayin akong lubos
Sa apoy nang di masupok!

Umilag, saka magpigil,
Mag-ingat, tuloy bakahin
Daloy ng masamang hiling
Ng mahinang puso natin.

REFRAIN

Hugasan Mo ako, Jesus,
Ng dugo Mo nanabuhos
Dalisayin akong lubos
Sa apoy nang di masupok!

0:00 0:00